Manila, Philippines – Apat na araw matapos na ipag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez sa mga opisyal ng ahensya sa road at rail sector na mag commute papasok sakanilang mga opisina gaya ng karaniwang mga mananakay.
Ilang rekomendasyon na ang natanggap ng ahensya mula sa mga ito para solusyunan ang lumalalang pasanin ng mga pasahero sa araw araw nilang pagko-commute sa mga pampublikong transportasyon.
Kabilang sa mga rekomendasyon na kanilang nakuha mula sa mga opisyal ang pagdaragdag ng mga PUV units sa Commonwealth Avenue, maayos na mga walkway o overpass sa mga pedestrian at istasyon sa Edsa Busway lalo na’t patuloy lumolobo ang bilang ng mga komyuter partikular na tuwing rush hour.
Napansin din ng mga kawani ng DOTr sa kanilang pagko-commute ang maduming sidewalk ng mga mananakay, kung saan kadalasang makikitang nakatambay ang mga street dwellers at ilegal vendors na tingin nila ay hindi ligtas daanan ng mga pedestrian.
Ayon kay Secretary Lopez, kasalukuyan na raw nakikipag-ugnayan ang MRT-3 sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Pasay City local government para solusyunan ang nasabing problema.
Sa ngayon kabilang na sina Undersecretary Mark Steven Pastor for Road Transport and Infrastructure, MRT General Manager Michael Capati, at Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera ang sumunod sa utos ng DOTr para pag-aralan ang mga kailangan pang ayusin at bigyang pansin sa mga pambulikong transportasyon.
Ang kani-kanilang mga byahe ng pasakay sa pampasaherong jeep, bus, at kasama na ang paglalakad ay halos umaabot ng isa hanggang dalawang oras.
Samantala bukod sa kanila, ilang rekomendasyon din ang nakukuha ngayon ng DOTr mula naman sa publiko na silang araw araw nakakaranas ng hirap sa pagko-commute.
Ang ilan sa mga ito sinabing dapat na ideploy ng mga government offices ang kanilang mga bus kapag nasa opisina na ang kanilang mga empleyado para mapakinabangan din ng publiko.
Nanawagan din ang iba, na tingan ng DOTr ang kawalang ng waiting shed ng mga pasahero sa ibang sakayan.
Magugunitang ipinag-utos ang obligadong pag-cocommute isang beses kada linggo ang mga kawani ng DOTr sa rail at road sector para personal nilang maranasan ang poblema ng mga mananakay at makapgbigay sila ng mga rekomendasyong solusyon.