ILANG MAMBABATAS, IKINAALARMA ANG RESULTA NG PISA

Quezon City, Manila- Ikinabahala ng Makabayan Bloc ang naging evaluation ng Programme for International Student Assessment (PISA) na nagpakita ng mababang creative thinking skills ng mga estudyanteng Pilipino.

Sa 2022 cycle ng PISA, nakapagtala ang Pilipinas ng average point na 14 kumpara sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) average na 33.

Dahilan ito upang mapabilang ang Pilipinas sa bottom four ng 64 na bansa.

Ayon kay House committe on basic education representative, Roman Romulo, patunay ang resultang ito na kailangang paunlarin ang fundamental competencies ng mga mag-aaral partikular ang reading, mathematics, at science.

Pahayag naman ni Alliance of Concerned Teacher o ACT Representative France Castro, marapat nang suriin ang k-12 curriculum upang maiangat ang creative thinking skills sa bansa.

Paliwanag niya, “Kailangan talaga ‘yung overhauling ng K-12 program and come up with the curriculum na talagang mabibigyan ng pagkakataon ‘yung mga bata na mag-isip para sa kanila, mag-innovate, mabigyan sila ng laya mag-experiment, etc.”

Samantala, nais ni Kabataan Partylist Raoul Manuel na maging “wake up call” ang resulta ng PISA para sa aniya’y “education crisis” na nararanasan sa Pilipinas.

“Pagpapakita ito na tunay at hindi pa rin talaga nasasagot ang education crisis sa ating bansa. Kaugnay din nito ay matagal na rin namang hindi pag-prioritize sa mga asignatura na nasa field ng humanities, music, arts, dahil ang tingin sa mga subjects na ito ay hindi naman bahagi ng mga most essential.,” ani Rep. Manuel

Lumabas din sa assessment na 3.4% lamang ng mga estudyanteng Pilipino ang nakaabot sa Level 5 proficiency sa iskor na 41-48.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 30% ng Singapore, na nanguna sa nagdaang PISA result sa average point na 41.

Liban sa Singapore, ang mga bansang Indonesia, Thailand, at Malaysia,  ay nakapagtala rin ng mas mababang average sa sa OECD, ngunit pinakamababa sa South East Asia ang iminarka ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this