Manila, Philippines – Inaasahan ang tropical depression Salome na maglalandfall sa Batanes, ayon sa PAGASA.
Kaninang tanghali, inilagay na ang ilang lugar sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1, particular ang Batanes, ang west portion ng Babuyan islands, lalo na ang Calayan Island at Dalupiri Island.
Maaapektuhan din bagyong Salome ang hilagang bahagi ng ilocos norte, particular ang Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City.
Kaninang alas-dyis ng umaga, huling namataan ng lokasyon ni Salome, 255 kilometer ng northeast ng itbayat, batanes.
Napapatili nito ang lakas ng hangin na 55 kilometer per hour at pagbugso na aabot hanggang 70 kph.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga ay maaaring maglandfall ng bagyo sa batanes.
Ngunit, tutuluyan nang hihina pagsapit ng Biyernes.
Hindi naman inaalis ng PAGASA ang tyansa na lumakas ang Bagyong Salome bilang isang tropical storm.