ILANG MGA OPISYAL MULA SA BULACAN, STRANDED SA DUBAI SA GITNA NG SIGALOT SA MIDDLE EAST

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ilang mga opisyal sa Bulacan ang stranded sa Dubai sa gitna ng alitan sa Middle East. 

Sa press briefing ngayong araw, sinabi ni secretary Remulla na may kaukulang travel authority ang labing isang vice mayor, ngunit kinukumpirma pa umano kung mayroong travel authority ang isang alkalde. 

Batay umano sa aplikasyon ng mga local government officials, sariling gastos ito ng grupo at hindi nagmula sa pondo ng gobyerno. 

Sa ngayon ay hindi pa humihingi ng rescue ang mga bise alkalde na nastranded sa Dubai. 

Ngunit ibinahagi na rin ni Remulla na lilipad siya patungong Dubai, base sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this