Manila, Philippines – Sa joint affidavit ng mag-asawang Discaya sa pagdinig ng Senado ngayong araw, pinangalanan ng mag-asawa ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga mambabatas ng House of Representatives ang tumanggap umano ng porsyento sa mga flood control projects.
Ayon kina DPWH Contractor Sara Discaya at Curlee Discaya, hindi naging madali ang kanilang pagtatrabaho para sa gobyerno dahil na rin umano sa mga delay na bayad.
Isinalaysay nila noong umpisa, hindi nananalo ang St. Gerard Construction sa mga bidding ng gobyerno.
Nang manalo at napagdesisyunang magtayo ng isa pang construction na Alpha & Omega Gen. Contractor and Development Corp.
Nagsimula na rin ang paglapit umano ang mga district engineers at mga regional directors ng DPWH at maging ang mga chief-of-staff ng mga mambabatas.
Kung saan nag-aalok ng mga proyekto na iginigiit na mula sa pondo ng mga mambabatas.
Nang lumaon pa aniya, may mga opisyal na ng gobyerno partikular mula sa DPWH para humingi sa kanila ng mga parte sa halaga ng proyekto.
Tila naging patakaran na rin an na hindi bababa sa 10 hanggang 25 porsyento ng pondo ang dapat nilang ibigay para hindi ipitin ang konstruksyon ng bawat proyekto.
Ilan sa mga pinangalanan ng mga Discaya ang mga sumusunod:
• Terrence Calatrava – former USEC. Ng office of the Presidential Assistant for the Visayas of the Philippines
• Pasig Cong. Roman Romulo
• Uswag Illonggo Partylist Cong. Jojo Ang
• Quezon City Cong. Patrick Vargas, Arjo Atayde, Marvon Rillo, Marvic Co Pillar
• AGAP Partylist Cong. Nikki Briones
• Marikina City Cong. Marcy Teodoro
• San Jose Del Monte Cong. Rida Robes
• Romblon Cong. Eleandro Madrona
• Cong. Benjie Agarao
• An-Waray Partylist Rep. Florencio Gabriel Noel
• Cong. Leody Tarriela
• Quezon Cong. Reynan Arrogancia
• Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr.
• Zamboanga Sibugay Cong. Antonieta Eudela
• Caloocan Cong. Dean Asistio
Dawit ang mga pangalan ng ilang opisyal ng DPWH sa pagpapatakbo ng karaniwang kalakaran sa 25% kickback.
Kasama na umano rito sina Regional Director Eduarte Virgillo ng Region 5
• District Engineer Henry Alcantara ng Bulacan 1st district
• District Engineer Aristotle Ramos ng Metro Manila 1st district
Pruweba ng mga Discaya ang bawat voucher at ledger kung saan nakasaad ang araw kung kailan natanggap ang bawat halaga.
Sa gitna aniya ng sistema, nababanggit ng mga opisyal ng DPWH ang pangalan ni Zaldy Co bilang recipient ng pera na dapat ay 25%. A
Habang Cong. Marvin Rillo ay ilang beses din nabanggit ang pangalan ni House Speaker Martin Romualdez.
Sa isang pagkikita ng Discaya sa EDSA Shangri-la, galing ang lahat ng request niya sa insertions at unprogrammed funds noong 2025 na inaprubahan naman ni Romualdez.
Pagdedetalye ni Curlee, minsan ay personal niyang iniaabot ang pera at kung minsan ay tauhan niya.
Ngunit kadalasan ay malapit na tauhan aniya ng mga mambabatas.
Ayon sa sinumpaang salaysay ng mag-asawa handa rin silang maging state witness ng imbestigasyon para maisiwalat ang mga anomalya sa loob ng DPWH at mga mambabatas.—Krizza Lopez, Eurotv News