Manila, Philippines – Tinitiyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na mananagot ang sinuman na illegal na magbebenta ng beep cards.
Batay sa impormasyon ng DOTr, may mga indibidwal ang nagtatangkang magbenta ng beep card sa mga online selling platforms.
Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil ang pagbebenta ng beep cards sa online dahil sa mga online hoarder.
Makikipagtulungan ang DOTr sa mga online platform kagaya ng Lazada, Shopee, Tiktok, Carousell, at Facebook Marketplace para alisin ang mga mapang-abusong online seller ng beep cards.
Ngayong araw ng Martes, iniharap ng DOTr Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Anti Cybercrime Group Division (PNP-ACG), ang naarestong 36 taong gulang na babaeng illegal na nagbebenta ng beep cards.
Kamakailan, nagkaroon ng problema ang ahensya sa beep cards.
Matapos maglabas ng mahigit sa tatlong daang libong na bagong beep cards sa linya ng mga tren sa Metro Manila, tiniyak ni Dizon na wala nang shortage sa beep card.
Giit ni Dizon, halimbawa pa lamang ang pagkakahuli sa babae ng kanilang pakikipagtulungan sa PNP sa layuning matugis ang mga sindikato.
Nagpakabit na ng mas maraming CCTV ang DOTr sa mga pangunahing istasyon ng tren, lalo na ang mga lugar kung saan madalas bumili ang mga sindikato.—Krizza Lopez, Eurotv News