ILOG PASIG PROJECT TARGET MATAPOS SA LOOB NG 3 TAON

MANILA, PHILIPPINES – Target ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong ‘ Marcos Jr. na matapos ang urban development ng Pasig River na nakatuon sa functional improvement at revitalization ng lugar sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ni Marcos na ang proyekto ay nakatakdang gawing “look and feel” ang Ilog Pasig tulad ng mga sikat na daluyan ng tubig tulad ng Seine sa Paris at ang Thames sa London.

Samantala sa talumpati ng pangulo sa dinaluhang 500-meter showcase area ng Manila Old Downtown Segment ng PRUDP kung saan 250 meter development na ang natapos SA esplanade mula Jones Bridge hanggang Plaza Mexico at Fort Santiago sa Intramuros binaggit ng pangulo ang functional development para rito .

Ang Phase 1C ay kinabibilangan ng Functional development na siyang kinabibilangan ng isang pedestrian, commercial zone, at green space na sumasaklaw din sa nauupahang stall, walkway, bike lands, at boardwalk.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this