ILOILO,PHILIPPINES – Nakipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan IloIlo City sa mga kumpanya ng water utility upang tuklasin ang mga potensyal na solusyon para mapahusay ang suplay ng tubig sa lungsod sa gitna ng tinatawag nitong “severe water crisis.”
Ayon kay IloIlo City Mayor Jerry Treñas ang problemang ito ng Lungsod ay kinakailangan ng agarang aksyon.
Sinimulan naman ni Mayor Treñas ang isang pagpupulong sa mga pangunahing distributor ng tubig sa lungsod.
Ang kanyang mga talakayan sa Metro Pacific Iloilo Water (MPIW) at South Balibago Waterworks ay naglalayong masuri ang kanilang mga plano at progreso sa pagtugon sa kakulangan ng tubig.
Ipinahayag din ni Treñas ang pangangailangan para sa mga bagong investors kung hindi matugunan ng mga kasalukuyang kagamitan na kailangan.