Manila, Philippines – Nagbabala si Bureau of Immigration (BI) Comissioner Joel Viado sa publiko laban sa mga indibidwal na ginagamit ang kanyang pangalan para makapanghingi ng donasyon.
Kasunod ito ng paglitaw ng mga scammer na sinasabing konektado sila kay Viado at may layong makalikom ng pera para sa mga nasalanta ng bagyo.
Nakatanggap ang isang private contractor mula sa Zamboanga ng mga mensahe na nagsasagawa umano ang BI ng solicitation.
Lumabas din sa imbestigasyon na parehong cellphone number ang ginamit sa pang-iiscam sa ilang tanggapan ng gobyerno.
Kabilang na ang Department of Information and Communcations Technology (DICT), Department of Budget Management (DBM), at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mariing kinondena ni Viado ang paggamit ng kanyang pangalan para makalikom ng donasyon o solicitations.
Binigyang diin niya na hindi kailanman siya nasangkot sa mga ganitong aktibidad.
Nakikipagkoordina na si Viado sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang illegal na gawain. —Krizza Lopez, Eurotv News