IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY PANGULONG MARCOS, INIHAIN SA KAMARA

Manila, Philippines – Isang Impeachment complaint ang isinampa laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kamara ngayong araw ng Lunes. 

Ang reklamo ay inihain ni Atty. Andre de Jesus na inendorso ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay—na isa rin sa mga inendorso ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sampahan ng kasong graft at malversation. 

Hinainan sa pangulo ng impeachment para sa graft and corruption, culpable violation of the constitution, at pagtatraydor sa tiwala ng taumbayan kaugnay sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2025, at kabiguan na i-veto ang unprogrammed appropriation. 

Ini-uugnay rin ang pangulo sa mga ghost flood control projects na lumitaw noong nakaraang taon. 

Giit ni Atty. De Jesus, hindi rin karapat-dapat maging pangulo si Marcos dahil sa umano’y adiksyon nito na isiniwalat ng kanyang kapatid na si Senator Imee Marcos. 

Reaksyon ng palasyo sa reklamong impeachment laban kay pangulong Marcos, bahagi aniya ng demokratikong proseso ang paghahain ng reklamong impeachment. 

Iginagalang aniya ng palasyo ang proseso maging ang pagtitiwala sa kongreso na gagawin ang kanilang tungkulin na may integridad at katapatan sa batas. 

Sa kabila ng kinakaharap na reklamo at habang umuusad ang proseso, sinabi ng palasyo na patuloy ang pagtatrabaho ni Pangulong Marcos para tiyaking hindi naaantala ang serbisyo para sa publiko, maging ang trabaho ng gobyerno na mapabuti ang  buhay ng bawat isa. 

Giit naman ng Koalisyong Makabayan, sa panahong walang ahensya ng gobyerno ang nag-imbestiga ng pagkakasangkot ni Marcos sa impeachable act na ito.

Ang impeachment anila ang mahalagang solusyon para sa pananagutan.

“In a time when no government agency has investigated Marcos’ involvement in these impeachable acts, impeachment becomes an important venue for accountability. “—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this