IMPEACHMENT SECRETARIAT NA TUTULONG SA TRIAL PROSECUTORS, BUO NA

Manila, Philippines — Kasunod ng pagbuo ng Senado ng administrative support group bilang paghahanda sa impeachment trial vs. Vice President Sara Duterte, bumuo na rin ang House of Representatives ng impeachment secretariat na a-alalay sa mga prosecutors sa trial.

Sa ilalim ng memorandum Order No. 19-1006, itinalaga na ni House Secretary General Reginald Velasco ang mga opisina ng kamarang parte ng impeachment secretariat.

Kopya ng House Memorandum Order No. 19-1006 na nagtatakda ng Impeachment secretariat para sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte. (Courtesy: Office of the House Secretary General)

Pangungunahan ng Office of the Secretary General ang Secretariat, kung saan may tatlong opisyal ang kabilang dito.

Bukod dito, mayroon ding mga itinalagang opisyal mula sa OSG Support Staff, Office of the Sergeant-at-arms, at Information and Communications Technology Service na magbibigay ng support services on rotation basis.

Ayon kay Velasco, ilan sa mga magiging responsibilidad ng impeachment secretariat ay ang magbigay ng technical, logistical, at research support sa prosekyusyon na hahawak ng kaso.

Share this