INFLATION RATE SA PILIPINAS,  BAHAGYANG BUMILIS SA 1.5% BUNSOD NG PANANALANTA NG BAGYO

Manila, Philippines – Sa buwan ng Agosto, bahagyang bumilis sa 1.5% ang antas ng inflation rate sa Pilipinas, ayon sa Philippine Statistics Authority. (PSA).

Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, maiuugnay ang pagtaas ng presyo ng pagkain matapos ang mga paghagupit ng bagyo noong Agosto.

Batay sa impormasyon ng PSA, unang nag-ambag sa pagbilis ng inflation noong agosto ang pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may malaking ambag na 69.3%.

Giit ni Usec. Mapa, substantial ang presyo ng gulay, tuber, partikular ang pagtaas ng presyo ng kalabasa.

Gayundin, tumaas ang presyo ng isda partikular na ang galunggong. 

Aniya Mapa, inaasahan na dahil nasa panahon ng tag-ulan, hindi maiiwasan na tumaas ang presyo ng pagkain. 

Samantala bukod sa pagkain, nagkaroon ng epekto ang mabilis na pagtaas ng presyo ng transport, lalo na ang mabilis na paggalaw ng presyo ng gasolina, pamasahe sa barko, at diesel.

Sa kabilang banda, mula sa 1.7% na inflation rate sa National Capital Region, dumoble sa 2.9% ang antas ng inflation sa rehiyon. 

Dahil pa rin sa pagtaas ng presyo ng gulay, partikular ang kalabasan at isda partikular ang bangus.

Ramdam din ang pagtaas ng presyo ng bayad sa kuryente at renta sa bahay. 

Gayundin ang pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel, passenger transport by sea. 

Sa kabilang banda, mas paiigtingin pa ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) ang hakbangin ng administrasyon sa pagtitiyak na mas sapat na supply ng pagkain, at kontrolado ang paggalaw ng presyo ng pagkain. 

Binigyang diin din ni DEPDev Secretary Arsenio Balisacan ang kahalagahan ng masusing pagmomonitor sa lagay ng panahon na may malaking epekto sa sektor ng agrikultura, lalo na sa produksyon.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this