Manila, Philippines – Matapos ang pitong taong pagsasama, hiwalay na ang aktres na si Barbie Forteza at kanyang nobyo at aktor na si Jak Roberto, kinilala bilang “JakBie” couple.
Kinumpirma ito ng Pulang Araw star sa kanyang Instagram kagabi (January 2).
Sa kanyang post, nagbalik-tanaw ang aktres sa kanilang pagsasama at inilarawan ang paghihiwalay bilang “beautiful goodbye”.
“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love. Your love was exceptional. But sometimes, good things fall apart so better things can come together,” kapsyon ni Barbie.
Samantala, pinasalamatan din niya ang aktor at inihayag ang kanyang excitement sa kani-kanilang tinatahak na landas.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve,” dagdag ng aktres.
Pinaaalalahanan naman ni Barbie sa publiko ang lubos na pag-intindi sa sitwasyon.