JAPANESE MFA KAMIKAWA, DEFENSE MINISTER KIHARA, BIBISITA SA BANSA

Manila Philippines — Nakatakdang bumisita sa bansa ang Ministry of Foreign at Ministry of Defense ng Japan sa darating na ika-8 ng Hulyo.

Sa isang pahayag sinabi ng Department of Foreign Affairs na nakatakdang makapulong ni DFA Secretary Enrique Manalo, at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sina Japanese Minister for Foreign Affairs KAMIKAWA Yoko at Minister of Defense KIHARA Minoru sa isang official visit nito sa bansa.

Ang naturang pulong ay bahagi ng ikalawang Philippines-Japan Foreign at Defense Ministerial Meeting.

Ang apat na ministro ng dalawang bansa ay inaasahang tatalakayin ang bilateral, depensa at seguridad sa gitna ng isyung kinahaharap ng rehiyon at pagpapalitan ng pananaw sa regional at international issues.

“The four Ministers are expected to discuss bilateral and defense and security issues affecting the region,  and exchange views on regional and international issues,” saad sa pahayag ng DFA.

Inaasahang amgkakaroon ding ng hiwalay na pagpupulong sa pagitan ng parehong ministro upang pag-usapan ang mga mahahalagang usapin sa iba’t ibang larangan.

“During the visit, the Secretary for Foreign Affairs and the Secretary of National Defense will hold separate bilateral meetings with their counterparts to discuss areas of mutual concern,” dagdag pa ng DFA.

READ: https://dfa.gov.ph/dfa-news/dfa-releasesupdate/35034-press-announcement-on-2nd-philippines-japan-foreign-and-defense-ministerial-meeting-2-2

Layon ng pagbisitang ito ng Japanese official ang mapagtibay ang strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan.

Samantala ayon sa ilang mambabatas ng Japan posibleng amiyendahan ang Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement (RAA) kasabay ng pagbisita ng dalawang ministro sa bansa.

Ayon kay Japanese House of Representatives member Wada Yoshiaki kailangan paigtingin pa ang pagtutulungan ng Pilipinas at ng Japan upang maibsan ang tensyon sa West Philippine Sea.

RELATED: DFA, TINULIGSA ANG AGRESIBO, ILLEGAL NA PANG-AAGAW NG BARIL NG CHINA

Ipinahayag din ng mambabatas ang pagkondena ng Japan sa agresibong aksyon ng mga Chinese Coast Guard personnel laban sa mga tropa ng militar sa Ayungin Shoal.

” So Japan and the Philippines should work together to make sure that such incidence in West PH Sea  should not have been painful. And to do so, Japan is committed ready to provide the necessary assets to the base to protect the Philippines,” ayon kay Japanese House of Representatives member Wada Yoshiaki sa isang pahayag.

Ginanap ang kauna-unahang 2+2 ministerial meeting sa pagitan ng dalawang bansa sa Tokyo, Japan noong April 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this