JIA DE GUZMAN, SISI RONDINA, MAGBABALIK SA NATIONAL TEAM!

Manila Philippines – Laban para bansa, ‘yan ang handa nang gawin nina Jia de Guzman at Sisi Rondina matapos itong mapili para sa Philippine team para sa darating na Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women ngayong May 22 hanggang May 29.

Ayon sa anunsyo ng PVL, nagbabalik ang sa national team ang setter ng Cool Smashers na si Jia De Guzman para sa AVC. Dahil sa kanyang natatanging galing na ipinakita sa Japan’s Denso Airybees, nakapag bigay ito ng pagkilala sa bansa sa international stage.

Kinumpirma ni De Guzman na sasali ito sa isang interview habang nasa PVL finals.

Ani De Guzman ay kahit maikli preparasyon para sa AVC ay ibibigay umano nila ang kanilang best. Excited na rin umano itong lumaro para sa bansa.

I know, very little preparation, but we’re going to give our best despite that. All the time naman, ready to step up for the flag, so excited ako to play for the Philippines again,”

Samantala, kasama naman nito sa National Team ang pinarangalan bilang best outside hitter mula sa Choco Mucho na si Sisi Rondina.

Bigo man maiuwi ang championship title ay hindi naman ito nabigong makapasok sa national team.

Ani Rondina, hindi nya pwedeng tanggihan ang AVC, lalo pa at Pilipinas naman ang dadalhin nyang pangalan rito.

AVC (ang next). Syempre ‘di naman pwedeng tanggihan ‘yon, pero ‘yun nga, Pilipinas na rin ang dadalhin so sulitin na rin,

Hiling rin nito na magkaroon agad sila ng “chemistry” ng kanyang mga ka-teammate.

“Paghahandaan namin. Sana magka-chemistry agad kami, sana magka-chemistry agad kami nung mga kasama ko,” remarked Rondina, underlining the importance of synergy in the short preparation period.

Sa kabila ng pagkatalo laban sa Creamline sa isang kapanapanabik na five-set encounter, ang kanyang indibidwal na galing ay nagpakita matapos itong makakuha ng kahanga-hangang 31 puntos na may kumbinasyon ng mga lethal attacks, mga cruicial blocks, at stellar defensive play.

Habang naghahanda si Rondina na magsuot ng pambansang kulay, ang kanyang paglalakbay ay nagpapakita ng katatagan at hindi natitinag na pangako ng mga atletang Pilipino sa internasyonal na entablado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this