Manila, Philippines – Sa pagtupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapanagot ng mga sangkot sa kapalpakan ng mga flood control project sa Pilipinas.
Inilunsad ngayong araw ng Lunes (August 11, 2025) ni Pangulong Marcos ang isang website kung saan maaaring mag report ang publiko sa lagay ng binubuong flood control project sa kanilang lugar.
Hinihikayat ng Pangulo ang publiko na gamitin ang website para ipagbigay-alam ang kalagayan ng proyekto.
Batay sa presentasyon ng pangulo, isiniwalat niya ang listahan ng mga probinsya na may pinakamaraming flood control project.
Una sa listahan ang probinsya ng Bulacan na may 668, sumunod ang Cebu na may 414, at pangatlo ang Isabela na may 341 flood control projects.
Bukod sa tatlong probinsyang nabanggit, nasa listahan ang Pangasinan, Pampanga, Albay, Leyte, Tarlac, Camarines Sur, at Ilocos Norte.
Ngunit kung ikukumpara sa listahan ng National Adaptation Plan ng Pilipinas mula 2023 hanggang 2025; Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Bulacan, Metro Manila, Maguindanao, North Cotabato, Oriental Mindoro, at Ilocos Norte — ang sampung probinsya na madaling lubugin ng baha.
Kasama rin sa ibinahagi ni Pangulong Marcos ang nakakabahalang kabuuang halaga ng flood infrastructures project magmula 2022 hanggang 2025.
Umaabot na ito ng PHP 545 bilyong pisong pondo ang naipagkaloob sa labing limang contractors lamang.
Ang limang contractors na tinutukoy ng pangulo na may proyekto sa buong Pilipinas ay ang Legacy Construction Corporation; Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. ; St. Timothy Contruction Corporation; EGB Construction Corporation; at Road Edge Trading & Development Services.
Sa kabila ng mga inilabas na datos ni Pangulong Marcos, iginiit niya na ‘Premature’ pa ang listahan ng mga pangalan ng mga kahina-hinalaang sangkot sa pangungurakot sa mga flood control project.
Dagdag pa ng pangulo, nais niyang maging pantay ang imbestigasyon at hindi lamang batay sa pagtuturo ng ibang tao — na maiuugnay sa pamumulilika.
Ang listahan na ipinakita ng pangulo ay mga listahan na isinumite ng Department of Public Works and Highways (DPWH).—Krizza Lopez, Eurotv News