KANDIDATONG NANALO KAPALIT NG P100M, SCAM – COMELEC

Manila, Philippines- Nagbabala ang Commission on Election (COMELEC) sa mga tatakbong kandidato sa darating na halalan sa 2025 national at local elections sa mga umano’y nag-aalok ng pagkapanalo kapalit ng halagang aabot sa P100 milyon ayon kay Comelec Chairperson George Garcia.

Sinabi ni Garcia na sa kasalukuyan ay marami ng nababalitaann ang ahensya na tumatawag umano sa kanila na may nagiikot parin sa bansa na nanloloko sa mga kandidato.

Aniya, ang mga indibidwal na ito ay humihingi ng P50 milyon, P70 milyon, o P100 milyon para sa “panalo” sa darating na botohan dahil may kakilala umano silang tauhan ng Comelec.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Garcia na ang naturang alok ay maituturing na isang “scam.”

Noong Marso, nilagdaan ng Comelec at Miru ang P17.99 bilyong kontrata para sa pagbili ng bagong automated election system para sa 2025 elections.

Ang kontrata ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 110,000 makina at peripheral kabilang ang mga ballot box, laptop, at iba pang mga kinakailangan sa pag-imprenta para sa mga botohan.

Ayon pa kay Garcia, inaasahan ng poll body ang paunang batch ng humigit-kumulang 20,000 units na darating sa Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this