Manila, Philippines – Sa bawat bagyong dumarating sa Pilipinas, hindi na bago na binabaha ang bawat kalye ng bansa. Ngunit, bagong-bago sa atin kapag bumabaha sa mga lugar kung saan hindi kalimitang binabaha at kahit mahina lamang ang pag-ulan. Mga bahang hindi lang dulot ng lubusang pag-ulan kundi pati na rin ng katiwalian na hindi humuhupa.ย
Kamakailan lamang, kaliwaโt kanan ang paglabas ng mga kasabwat na politiko at kontratista na sangkot sa alegasyon ng pangungurakot ng milyong-milyong pera na dapat ginagamit sa mga proyekto ng flood controls. At, dahil sa anomalya at katiwalian na nangyayari sa paglustay ng badyet, ginawa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Executive Order No. 94 o ang pagbuo ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) upang imbestigahan at bigyan ng nararapat na parusa ang mga pampublikong opisyal na kasabwat sa anomalya sa mga proyekto ng flood control ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nakalipas na sampung taon.
๐๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ถ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ด ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข; ๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ, ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ต ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฃ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ช๐ด๐บ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐จ๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ?
Nararapat lamang na masagot ang tanong at hinaing ng taumbayan na sino at bakit ninakaw ang badyet na dapat nakatutulong sana sa buhay ng bawat Pilipino.
Ayon sa Artikulo XI, Seksyon 1 ng Saligang Batas ng Pilipinas, โ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค ๐ฐ๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ ๐ช๐ด ๐ข ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค ๐ต๐ณ๐ถ๐ด๐ต.โ Hindi dapat binabalewala ang prinsipyong ito lalo na ng mga politiko sa ating gobyernoโhindi dapat bulsa ang inuuna kundi kapakanan ng taumbayan. Wala dapat takot, pangangamba, at mga tanong sa utak ng mga Pilipino kung mapagkakatiwalaan ang mga nakaupo sa pamahalaan.
Kung nanaiisin ng administrasyon na masugpo ang katiwalianโseryosohin ang bawat aksyon at proyektong isasagawa. Hindi dapat minamadali at kautusan lamang kundi kinakailangan ng konkretong aksyon, patas na paglilitis, at may pananagutan sa dulo. Isa pang solusyon ay ang pagiging transparent ng bawat politiko sa kanilang makukuhang pera, gagamitin sa proyekto, at para sa iba pa. Lalo na kinakailangan makita ng taumbayan na may batas pa ang kumakampi sa kanilang hinaing, problema, at tanong.
๐๐ข ๐ฅ๐ถ๐ญ๐ฐ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ณ๐ช๐ญ๐ช ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐จ๐ฐ๐ฃ๐บ๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฐ. Mga tiwali at magnanakaw sa gobyerno na hindi na umagos papaalis sa ating bansa at lalo lamang binalot ang ating bansa ng kadiliman, perwisyo, at pasakit. Sapagkat, baka sa susunod hindi lamang tao ang lulubog pati na rin ang tiwala ng bawat tao. Nawa’y mawakasan na ang bagong sakuna ng Pilipinasโang katiwalian.โBrent Villanueva, Contributor