MANILA, PHILIPPINES – Matapos ianunsyo ng Malacañang Palace na muli silang magkakaroon ng ‘Konsyerto sa Palasyo Para sa ating mga Health Workers’ na inorganisa ng Presidential Communication Office (PCO) na dadaluhan ng iba’t ibang kilalang musikero sa bansa.
Naglabas naman ng pahayag ang ilang grupo ng mga Health Workers sa bansa at sinabing sa halip na konsyerto bakit hindi na lang daw agarang solusyon at mas mabilis na aksyon para sa ilang suliraninin na kinahaharap ng kanilang sektor.
Sa pang apat na pagkakataon isa nanamang Konsyerto sa palasyo ang nakatakdang ganapin sa Malacañang sa June 30, 2024.
Yan ay upang bigyang pugay at pasayahin ang mga manggagawa sa sektor ng kalusugan.
Photo Courtesy: Presidential Communication Office (PCO)
Gayunpaman sa kabila nyan sinabi ng Alliance of Health Workers (AHW) na sinseridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang higit nilang kailangan upang tugunan ang mga isyu ng kanilang sektor at hindi pansamantalang kasiyahan.
Pagtaas ng sahod, proteksyon at seguridad sakanilang trabaho, understaffing, at pagbibigay ng matagal na nilang hinhingi na Performance-Based Bonus (PBB) at Health Emergency Allowances (HEA), yan daw ang nais nila.
Ang pag oorganisa rin daw ng mga katulad na konsyerto ay nangangahulugan lamang daw na hindi seryoso ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa pagtugon sakanilang mga hinaing .
Nanawagan din ang mga ito na pakinggan ang kanilang matagal ng ipinapanawagan sa gobyerno para sa mga benepisyong dapat nilang natatanggap.
Photo Courtesy: Alliance of Health Workers/Fb
“We strongly convey to the government our resentment for their negligence and incompetence during the pandemic, We do not want to be portrayed as heroes who have been abandoned and forgotten after the battle. We urge PBBM to listen to our grievances. Concerts and entertainment alone are not enough; concrete actions and solutions are needed to address our concerns.” saad ni Cristy Donguines, nurse at secretary general ng Alliance of Health Workers sa isang press release.
Hindi rin daw nila kayang tanggapin na tinatawag silang bayani ngunit iniwan at kinalimutan lamang sila pagtapos ng laban noong pandemya.
Nagpahayag naman ng Pasasalamat ang AHW sa mga taong patuloy na kumikilala sakanilang kabayanihan.