KOPYA NG ARREST WARRANT NG ICC LABAN KAY DELA ROSA, MULA SA THIRD SOURCE — SILG REMULLA

Manila, Philippines – Hindi pa nangagaling sa International Criminal Court ang umano’y arrest warrant na binanggit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla laban kay Senator Bato Dela Rosa. 

Ayon kay Interior and Local Government Jonvic Remulla, mula sa third source ang nakahandang arrest warrant laban kay dela Rosa na ipinadala kay Ombudsman Remulla. 

Ngunit tila hindi pa tiyak kung lehitimong mula sa ICC ang electronic copy ng arrest warrant. 

Tumangging magbigay ng komento ang kalihim ng DILG kung posibleng ang Philippine National Police (PNP) ang nagpapatupad ng arrest warrant. 

Giit niya na hihintayin ng tanggapan ang opisyal na kopya ng arrest warrant laban kay Dela Rosa. 

Sa kabilang banda, hindi pa nabeberipika ng kampo ni Dela Rosa ang impormasyon kaugnay sa arrest warrant ng senador.

Si Dela Rosa ang nanungkulang hepe ng Philippine National Police noong ipinatupad ang war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this