LAHAT NG BIYAHE SA DAGAT NG ALBAY, SINUSPINDE DAHIL SA BAGYONG “TINO”

Albay, Philippines – Sinuspinde ng Coast Guard Station Albay ang lahat ng biyahe sa dagat sa buong lalawigan ngayong Nobyembre 3, 2025, matapos isailalim ang lugar sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa Severe Tropical Storm “TINO.”

Ayon sa ulat ng DOST-PAGASA, huling namataan ang bagyo sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar, at patuloy na kumikilos pa-kanluran. Dahil dito, mahigpit na pinapayuhan ang mga mangingisda at pasahero na huwag munang pumalaot hangga’t hindi inaalis ang babala ng bagyo at maghintay ng karagdagang abiso mula sa mga awtoridad.

Gayunpaman, pansamanralang suspindido din ang  biyahe ng barko at iba pang sasakyang-dagat mula sa Guimaras Island papuntang Iloilo City at Pulupandan, Negros Occidental.

Hinihikayat ang lahat ng apektadong pasahero na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo at makipag-ugnayan sa kani-kanilang shipping lines.

Nagpaalala rin ang Philippine Coast Guard (PCG) na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa mga lokal na tanggapan para sa mga anunsiyo ukol sa lagay ng panahon at seguridad sa karagatan.

Share this