Mandaue City, Cebu — Arestado ng National Bureau of Investigation Central Visayas Regional Office ang isang lalaki sa Cebu matapos na magpost ng mga bomb threats laban sa Commission on Elections (COMELEC).
Ang suspek, kinilkala bilang si Gian Carlo Dela Cruz Maningo, ang may-ari ng Gi Maningo Facebook account na makailang beses nang nag-viral dahil sa bomb threats nito laban sa COMELEC.
Isa na rito ang post kung saan nag-aalok sya ng P5 million na pabuya para sa sinumang makapagtatanim at makapagpapasabog ng bomba sa Comelec central office.
Ang naturang post, mabilis na nag-viral at na-sahare pa ng 120 na beses, na nakarating sa COMELEC at sa Department of Justice.
Kasunod ng natanggap na reklamo, kaagad na nagkasa ang NBI-7 ng operasyon upang masakote si Maningo.
Ika-14 ng Mayo nang naaresto ito ng mga awtoridad sa bahay sa loob ng Casili Hills Subdivision sa Casili, Mandaue City.
Ayon sa NBI, umamin din ito na sya ang may-ari ng naturang Facebook account.
Bunsod nito, nahaharap sya ngayon sa mga kaso sa ilalim ng Presidential Decree 1727 o ang false information dissemination regarding threats of bombs and explosives at Section 9 of Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Kasunod ng insidente, nagbabala naman ang NBI patungkol sa mga ganitong uri ng pagbabanta, maging kahit sa online space, at na ang mga mapatutunayang may sala ay pananagutin sa batas.