LALAKING NAMARIL NG MGA KAINUMAN SA BULACAN, ARESTADO

Bulacan, Philippines – Arestado ang isang lalaking namaril  ng mga kainuman sa Baliwag, Bulacan matapos ng mainitang pagtatalo. 

Mabilis na remusponde ang mga kawani ng Baliwag City police at Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company sa suspek ng mangyari ang pamamaril sa Barangay Tibag. 

Batay sa imbestigasyon, ang naging dahilan ng pamamaril ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek habang nag-iinuman. 

Dahil dito, biglang bumunot ng baril at nagpaputok ang suspek, na nagtamo ng sugat sa tatlong indibidwal. 

Mabilis siyang tumakas gamit ang isang motorsiklo patungong Tibag-Sabang area, kung saan siya nahuli ng mga pulisya.

Nakuha sa kanya, ang baril na ginamit sa krimen at ang motorsiklong ginamit sa pagtakas.

Pinuri naman ni Police Regional Office-3, director Brigadier General, Ponce Rogelio  Pe-ñones Jr. ang mga pulisya para sa mabilis at agarang aksyon sa insidente.

Nasa Baliuag police Jail na ang suspek at mahaharap sa mga kasong Frustrated Homicide.

Kaagad namang dinala ang mga biktima sa ospital. —Raymond Jacinto, Contributor

Share this