LATE OR/CR, LICENSE PLATE RELEASE, PARURUSAHAN NG LTO

MANILA PHILIPPINES – Binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga ahente ng sasakyan at motorcycle dealers na dapat maibigay ng mga ito ang Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR) sa takdang panahon.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II nagsimula na ang ahensya na gumawa ng mga hakbang laban sa mga dealer at ahente na patuloy na lumalabag sa patnubay ng ahensya na maglabas ng mga plaka at OR/CR sa takdang oras.

We already have an initial list of the agents and their dealerships that were recommended for sanctions, including fines and suspension of accreditation,” ayon kay Mendoza.

Desido ang ahensya na pananagutin ang sinuman sa mga ito na bigong makapag comply sa naturang mandato kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na matugunan ang mga backlog sa license plates at iba pang mahahalagang dokumento ng ahensya.

Ilan sa mga posibleng kaharapin ng mga dealer at ahente na nakasaad sa memorandum mula Malakanyang ang termination ng ng delearship.

Base sa datos ng LTO nasa 28 ahente na ng mga ibat ibang motorcycle at car dealers ang natukoy kung saan natanggap na nito ang kanilang penalties.

Ang parusa tinatayang nasa 20,000 hanggang 500,000 piso at isang buwan hanngang anim na buwang suspensyon ng kanilang accrediation.

Let this serve as a strong message to all agents and dealerships to do their part, their obligation to their clients. Kasama sa trabaho ninyo ay tiyakin na sumusunod kayo sa regulasyon ng LTO patungkol sa release ng plaka at OR/CR on time,” sabi pa ni Mendoza.

Hinikayat naman ng kalihim ang lahat ng mga may bagong motor at sasakyan na i-report sa kanilang tanggapan ang sinumang hindi makakasunod sa kanilang mandato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this