Manila, Philippines – Pumanaw na ang lead vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot sa sakit na cancer, ayon sa opisyal na anunsyo ng banda sa kanilang Facebook page ngayong Lunes, Nobyembre 18.
“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest,” pahayag ng banda.
Kinilala si Mercy bilang isa sa pinakamamahal na tinig ng Aegis sa mga kantang “Halik” at “Luha”.
“Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts,” dagdag pa ng grupo.
“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will deeply missed,” pagtatapos ng banda.
Nagbahagi naman si Mercy ng emosyonal na post sa social media, ilang bago siya pumanaw.
Sa post , humiling siya ng dasal para sa kanyang paggaling at tapat na ibinahagi ang kanyang laban sa breast at lung cancer. https://www.tiktok.com/@mercyofaegis/video/7437593344332664082