Kasunod ng naganap na lindol sa Cebu kagabi ng Martes, inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Miagao ang publiko na iwasang okupahin ang mga gusali na may tatlong palapag o higit pa hangga’t hindi pa ito nasusuri at natitiyak na ligtas ng Municipal Engineer’s Office.
Ayon sa inilabas na paalala ng LGU, layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang anumang posibleng panganib sa kaligtasan ng publiko, lalo na sa gitna ng mga ulat ng pagkasira sa ilang estruktura sa bayan.
Hinihikayat din ang lahat ng may-ari, umuupa, at naninirahan sa mga apektadong gusali na makipag-ugnayan kaagad sa Municipal Engineer’s Office upang maipagkaloob ang nararapat na inspeksyon.
Tiniyak ng pamahalaang bayan na patuloy ang kanilang pagbabantay at pagtugon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan.