Legazpi, Albay- Nasa kabuuang 1,008 na magsasaka mula sa 13 nayon ang naka tanggap ng mga libreng pananim mula sa gobyerno ng Legazpi, ayon sa City Agriculture Office (CAO) nitong Biyernes.
Sa isang interview, sinabi ni CAO chief Sheila Nas na ang pamamahagi ng mga pananim ay naganap sa CAO building sa Barangay Gogon na nagsimula noong May 6 at tatagal hanggang May 24.
Ang mga naka tanggap ng mga binhi ay ang mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Dagdag pa ni Nas na nagsimula ang pamimigay ng maka tanggap ang CAO ng 700 na bags mula sa National Seed Industry Council (NSIC) at 500 bag naman ng mga certified inbred seeds mula sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEF) ng Department of Agriculture (DA).
Sinabi niya na ang CAO ay namamahagi ng libreng mga punla at pataba ng palay dalawang beses sa isang taon upang matulungan ang mga magsasaka bilang regular na programa ng pamahalaang lungsod.
READ: PAMILYANG BIKTIMA NG EL NIÑO SA BICOL, BINIGYANG TULONG