LIQUOR BAN, ROAD CLOSURES IPAPATUPAD SA MAYNILA PARA SA 2025 BAR EXAMS

Manila, Philippines – Magpapatupad ang Manila City Government ng liquor ban at road closures sa paligid ng San Beda University at University of Santo Tomas (UST) upang matiyak ang seguridad at katahimikan para sa mga kukuha ng 2025 Bar Examinations.

Ipapatupad ang mga naturang hakbang sa Setyembre 6–7, 9–10, at 13–14, 2025. 

Batay sa Executive Order (EO) No. 41 na nilagdaan ni Mayor Isko Moreno, “to maintain peace and order during the 2025 Bar Examinations and to assure the safety of all bar examinees,”

Kabilang sa mga isasarang kalsada sa paligid ng dalawang unibersidad ay ang mga sumusunod:

Para sa UST:

  1. Dapitan St. –  (2:00 AM- 7:00 PM)
  2. Westbound lanes ng España Blvd mula Lacson Ave. hanggang P. Noval St. – (2:00AM – 8:00AM) at (3:00 PM- 7:00 PM) 
  3. Extremadura St. sa UST – (2:00 AM–7:00 PM)

Para naman sa San Beda University: 

  1. Mendiola St. mula Peace Arch hanggang Concepcion Aguila St. – (2:00 AM – 7:00 PM)
  2. Concepcion Aguila St. mula Mendiola St. hanggang Jose Laurel St. – (2:00 AM–7:00 PM)
  3. Eastbound ng Legarda St. mula San Rafael St. hanggang Mendiola St. – (2:00 AM–7:00 PM) 

Samantala, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak, paggamit ng videoke, malalakas na sound system, at iba pang aktibidad na maaaring makagambala sa pagsusulit.

“There is a need to ban liquor, prohibit ambulant vendors and disruptive activities from the testing sites, and mitigate or noise control within the 500-meter radius,” saad sa EO.

Samantala, babala din ng lokal na pamahalaan, “all violators shall be dealt with accordingly pursuant to existing laws and ordinances of the City of Manila.”—JC Pancho, Contributor

Share this