Manila, Philippines – Isinapubliko ni Senator Sherwin Gatchalian sa isinagawang pagdinig ng mga senador sa Committee on Finance ng 2026 proposed budget ng Department of Agriculture (DA) ang listahan ng mga kontratista na may extremely overpriced at pinakamaraming Farm-to-Market road (FMR) project na nakuha taong 2023, 2024 hanggang sa kasalukuyan.
Kabilang sa mga ito ang EGB construction Corporation, Hi-tone Construction & Development Corp at Road Edge Trading & Development Services na tatlo sa 15 mga contractor na pinangalanan noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng 20% ng total flood control projects sa bansa.
Ang mga kumpanya rin na ito ay nauugnay kay Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co.
Ayon kay Gatchalian, kung ang budget daw ng DA para sa FMR ay P16.5B lamang daw sa 2026 o katumbas ng 1,100km, kung saan batay daw sa computation ng DPWH P15M per km at P15, 000 naman per meters ang halaga ng mga ito.
Bakit daw ang mga nadiskubre nilang halaga ng mga proyekto na ipinapataw ng mga construction company na nakakuha ng proyekto para sa Farm-to Market Road ay mas mataas.
Ikinagulat naman daw ito ng kalihim at sinabing tila na by-pass daw sila sa mga nasabing proyekto.
Bukod pa sa mga overpriced na mga FMR project, ipinakita rin ni Gatchalian sa pagdinig ang mga rehiyon na nag overshoot sa proyekto o sumobra sa gastos.
Nangunguna dito ang Region V na may P1.1B overshoot, sinundan ng Region VIII na may mahigit P500M, Region III na may at iba pa.
Lumabas din daw sa nakalap nilang impormasyon na ang Bicol sa Region V at Tacloban sa Region VIII pa rin ang nagungunang mga rehiyon na nakakuha ng pinakamaraming proyekto noong 2023 at 2024.
Binigyang diin naman ni Tiu na hindi pa siya kalihim ng Department of Agriculture (DA) taong 2023 at taong 2024 naman ng maging kalihim na siya ay tapos na ang budget deliberation ng Bicam.
2025 na lamang daw sya nakahawak ng budget ng DA.
Ang mga nanalo rin daw na mga contractor sa bidding ng mga proyekto ay DPWH ang may hawak at tanging validation na lamang daw sila kapag natapos na ang nasabing mga farm to market road project.
Samantala ang mga nakita naman daw na ghost project Davao Occidental at Zamboanga City ginawa pa raw 2021-2022 na kasalukuyan na nilang pinaiimbestigahan sa kay DPWH Secretary Vince Dizon.
Ipinahayag naman ni Gatchalian na kung hindi maaayos ang overpricing sa farm to market road ng DA o kaya hindi mismong DA ang magpapagawa ng mga FMR, tatanggalin na lamang daw nila ang budget para dito at ilalaan na lamang sa iba proyekto.