MANILA, PHILIPPINES – Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na mabilis pa rin ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas.
Kaya naman bilang tugon ng ahensya para hindi na ito tuluyang makapainsala pa sa ibang rehiyon sa bansa, magtatalaga na sila ng ilang livestock checkpoint sa Luzon areas.
Ayon sa DA pansamantala muna nila itong ipatutupad habang kasalukuyan pang inaantay ang emergency purchase ng 10,000 doses ng ASF vaccine na inilaan sa Batagas.
Sinabi ng Kagawaran na isa sa nakikita nilang dahilan ng pagtaas ng kaso ng ASF ay ang ilang mapagsamantalang hog traders na nagbebenta pa rin ng mga baboy kahit nagpositibo ang mga ito sa ASF.
Gayunpaman tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may sapat na resources ang DA upang agarang aksyunan ang naturang sakit maging ang pagbibigay ng assistance sa mga hog raisers na apektado ng outbreak.
Ayon kay Dr. Constante Palabrica, Assistant Secretary for Swine and Poultry ang karagdagang checkpoint ay magsisilbing harang sa mga baboy na may sakit na nais ipuslit ng mga mapagsamantalang traders.
Batay sa monitoring ng Bureau of Animal Industry (BAI) kumalat na ang ASF sa mahigit 17 rehiyon sa bansa, sa kabuuang bilang na yan 74 probinsya na ang apektado.
Noong August 8 tinatayang 64 Munisipalidad na at 22 probinsya ang ang naiulat na may aktibong akso ng ASF.