Manila Philippines — Pinangalanan ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (MAKABAYAN) ang ika-apat na kandidatong nais nilang patakbuhin sa darating na 2025 midterm elections.
Ang ika-apat sa labin dalawang senator na bubuin ng Makabayan ay dating kinatawan ng Gabriela sa Kongreso na si Liza Maza.
Ayon kay Makabayan co-chair Neri Coliminares, nagsilbing basehan ng kanilang pagpili kay Maza ang hindi matatawaran nitong karanasan sa Kongreso at sa mga adbokasiya nito sa karapatan ng mga kababaihan at sa mga marginalized sector.
“We are excited to have former Rep. Liza Maza join the Makabayan senatorial slate. Her extensive experience as a legislator and advocate for women’s rights and the marginalized sectors will be invaluable in the Senate,” ani Colminares sa isang pahayag.
Sa kaniyang pag-upo sa Kongreso bilang kinatawan ng Gabriela, ilan sa mga batas na naipasa ni Maza ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, the Anti-Violence Against Women at ang Children Act (Anti-VAWC), and the Juvenile Justice Act na patuloy na nagpoprotekta at nagtataguyod sa karapatan ng mga marginalized sector sa bansa.
Maliban kay Maza, nauna nang pingalanan ng Makabayan si ACT Teachers Partylist Representative France Castro, Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas at si
Kilusang Mayo Uno (KMU) Secretary General Jerome Adonis na kabilang sa 12 senatorial slate na bubuin ng Makabayan.
Suportado ng mga nauna nang naganunsyo ng kanilang kagustuhan na tumakbo sa pagkasenador sa paparating na 2025 Midterm elections.
Ayon kay Brosas malaki ang dedikasyon ni Maza pagdating sa pagtataguyod ng karapatan ng mga kababihan at social justice.
Binatikos naman ng Makabayan ang umano’y mala-“Tokhang-Style” na pagpigil daw sa mga taga-suporta ni Maza sa isang rally.