LTFRB, NAGPAALALA SA PUV OPERATORS NA SUMUNOD SA ‘ANTI-SARDINAS’ POLICY

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga operator ng Public Utility Vehicles (PUVs) na sumunod sa itinakdang kapasidad ng pasahero alinsunod sa “anti-sardinas” directive na inilabas ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio Dizon.

Layunin ng patakarang ito na matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng biyahe ng commuting public, at maiwasan ang matinding siksikan sa mga pampasaherong sasakyan.

Ipinatutupad sa bawat PUVs ang mga limitadong pasahero na siyam hanggang 12 pasahero lamang, depende sa modelo.

Sa Jeepney at Modern Jeepney, hanggang 32 pasahero lamang. sa bus naman maaaring humigit sa 50 pasahero, ngunit ipinagbabawal ang mga nakatayong pasahero lalo na sa long-distance trips.

Nagbabala naman ang LTFRB na ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay maaaring maharap sa multa o suspensyon ng prangkisa.

Share this