Manila, Philippines – Nag-abiso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na kung maaari ay iwasan muna ang pagbiyahe at kanselahin pansamantala ang kanilang mga lakad ngayong nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. sa ilang mga lugar sa bansa.
Partikular na tinukoy ng LTFRB ang mga biyaherong manggagaling pa sa Metro Manila na pupunta sa Visayas Area at Bicol Region kung saan nananalasa ngayon si Bagyong Tino.
Ayon sa ahensya, mataas daw kase ang tyansa na ma-stranded lamang ang mga pasahero sa terminal at pantalan dahil sa sama ng panahon.
Sa ngayon, nagkansela na ng biyahe ang LTFRB Region VI sa lahat ng land trips nito kabilang na ang mga cargo vehicles na sasakay sa mga pantalan na tatawid ng dagat.
Posible raw tumagal ang kanselasyon mula ngayong araw, November 3-5, depende pa kung agad ding maibababa ng PAGASA ang Wind Signal No. sa Eastern Visayas at mga karatıg na lugar.
Samantala, nagkansela na rin ng sea travel ang Coast Guard Station sa Negros Oriental, kabilang na dyan ang lahat ng uri ng vessels at watercraft na nag-ooperate sakanilang probinsya.
Una na dito, naglabas na rin ng mahigpit na paalala ang Coast Guard Station Iloilo City, na hindi rin pinapayagan ang pagbiyahe ng kahit anong vessel sa kanilang nasasakupan.
Hinimok din ang mga mangingisda na iwasan ang kahit anong water-related activities habang nananalasa si Bagyong Tino.
Batay naman sa pinakahuling ulat ng Department of Transportation (DOTr) umabot na sa higit 40 mga pantalan sa iba’t iban rehiyon sa bansa ang apektado ng bagyo.
Karamihan sa mga ito hindi makabyahe.
Aabot naman na daw sa 900 mga pasahero ang stranded ngayon sa mga terminal at pantalan.
Inatasan na rin ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Philippine coast guard at ng Maritime Industry Authority (MARINA) na “no sail policy” sa pantalan sa Batangas, Mindoro, Biliran, Leyte at ibang pang lugar na tatamaan ng bagyo.
Tiniyak rin ng ahensya na may nakahandang emergency personnel, rescue boats at safety equipment sa mga pantalan.