Nakatakdang mabigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Special Permit para payagang bumiyahe ang mga awtorisadong Public Utility Vehicle (PUV) na bumiyahe sa mga rutang walang consolidated jeepney.
“Pag talagang walang dumadaan, we issue what we call special permits. And normally we get the jeeps from the neighboring routes kung saan katabi nung walang nag-consolidate,” sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz.
Mahigit isang linggo mula nang matapos ang deadline ng konsolidasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program ng gobyerno, parehong mga jeepney driver at commuter ang nagsabing patuloy silang nahaharap sa mga hamon sa kalsada.
Sinabi ng LTFRB na 81% o mahigit 160,000 jeepneys ang nakapag-consolidate ng kanilang mga prangkisa. Sinabi nito na sapat na ang bilang para makapagsilbi sa mga commuters sa bansa.
Samantala, sinabi ng ahensya na nagsimula na itong mag-isyu ng show-cause order sa mga hindi nag-consolidate para ipaliwanag ang kanilang pagkabigo na sumunod sa deadline ng gobyerno. Bibigyan ng limang araw ang mga apektadong driver at operator para tumugon.
Maaari ring simulan ng mga awtoridad na i-flag down ang mga “colorum” na sasakyan sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Mayo.