MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO DALA NG ISANG INC PROGRAM, ASAHAN SA PASAY CITY

Pasay City, Philippines — Bilang antisipasyon sa gaganaping Welcome Kapatid Ko na aktibidad ng Iglesia Ni Cristo sa ika-29 ng marso, nagbabala na ang lokal na pamahalaan ng Pasay City patungkol sa posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar.

Sa isang public advisory, inabisuhan ng Pasay City LGU ang mga motorista patungkol sa inaasahang dagsa ng mga miyembro ng INC na makikiisa sa aktibidad, na maaaring magdulot ng masikip na trapiko.

Inaasahang dadalo ang mga kapatiran na nasasakop ng Pasay, Parañaque, Makati, at Taguig, kung kaya’t ang dagsa ng mga tao ay maaaring makaapekto sa lagay ng trapiko sa lugar.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga daan sa paligid ng Pasay City Astrodome upang hindi na maabala sa kani-kanilang mga byahe.

Gaganapin ang aktibidad sa Pasay City Astrodome sa Biyernes, mula ala una ng hapon hanggang alas sais ng gabi.

Share this