Manila, Philippines – Mayaman ang Pilipinas sa turismo, mula sa mga masasarap na pagkain, kabundukan na may magagandang tanawin, at magaganda na dagat na dinadayo naman talaga ng mga turista.
Ngunit sa kabila nito, marami ding local travellers ang pinili na magtravel abroad dahil sa mas mura na umano ang gumala sa ibang bansa, kung ikukumpara sa local tourist.
Nagkalat sa social media ang maraming content tungkol sa pagtravel abroad ng mga Pilipinong turista.
At kung paano nila napagkakasya ang maliit na budget sa pagtravel sa mga southeast Asian countries, katulad ng Malaysia, Thailand, Vietnam, Indonesia, at iba pa.
At marami sa mga nagkomento ang nagsabi na mas mura pa ang gumala sa ibang bansa kung ikukumpara sa mga travel destination dito sa Pilipinas, kagaya ng Palawan, Boracay, Siargao, at ibang sikat na galaan.
Ayon sa mga comments, maliit pa ang P20,000 kung nais na makarating sa mga lugar na ito.
Samantala, ayon kay Tourism Secretary Ma. Christina Frasco, hindi tumitigil na Department of Tourism sa paghikayat sa Department of Transportation at Civil Aaeronautics Boards, maging mga local airlines na Cebu Pacific, Philippine Airlines, Airsia, at iba ring international airlines, na mas taasan pa ang kapasidad ng mga ito.
Kagaya ng pagdadagdag ng bagong sasakyang panghimpapawid.
Nang sa gayon ay mababaan din ang presyo ng airline tickets.
Tungkol naman sa Hotel & resort Accomodation, bagamat maayos ang kanilang koordinasyon sa Philippine Hotel Owners Association at maging sa mga accredited tourism enterprises.
Naiintindihan aniya ng DOT ang gastusin sa operasyon sa Hotel & resort accommodation, particular sa supply ng kuryente, tubig, waste management, at iba pa.
Dagdag ni Secretary Frasco, naniniwala siya na ang setimyento ng Filipino travelers ay isang problema na kailangang pagtulungan ng pamahalaan.
Hiling pa rin ni Frasco sa mga Filipino na patuloy sanang suportahan ang mga tourist destination sa Pilipinas para sa ikalalago ng ekonomiya at local business.
Samantala, nakahanda na ang Department of Tourism sa pangunguna sa ASEAN Tourism Forum 2026 kung saan tinatayang nasa dalawang libong delegad ang dadating.
Inaasahang dadalo ng foreign tourism ministers mula sa mga bansang bahagi ng ASEAN.
Ayon kay Secretary Frasco, umaasa sila magdadala ang AFT 2026 ng mas maraming investment sa tourism na makapagbibigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.—Krizza Lopez, Eurotv News