Manila, Philippines – Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 10,821 foreign workers mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang umalis na ng bansa.
Sa isang briefing ng Bagong Pilipinas Ngayon, nitong Miyerkules, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ang mga manggagawang ito ay kabilang sa mahigit 21,757 dayuhan na nag-downgrade ng kanilang visa hanggang Nobyembre 7.
Dagdag ni Sandoval, ang natitirang mga dayuhang nagtatrabaho sa mga iligal na POGOs ay inaasahang aalis din bago matapos ang Disyembre kung saan kasabay nito ang pagpapasara ng operasyon ng mga kumpanya.
Ang gawi ay matapos ipag-utos ng kasalakuyang administrasyon ang pagtigil ng operasyon ng mga ilegal na POGO sa bansa.