MAHIGIT 57K INFORMAL SETTLERS SA MANILA BAY, NAILIPAT NA SA LIGTAS NA LOKASYON — DILG

Manila, Philippines – Sa ilalim ng Manila bay Clean-up, rehabilitation, and preservation program ng Department of Interior and Local Government (DILG), mahigit sa 57,000 informal settlers families (ISFs) na ang nailipat sa isang ligtas na lugar, 

Bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin pagkilos para tugunan ang lumalalang pagbaha sa Pilipinas. 

Binigyan diin ng DILG na mahalaga ang estatehiyang ito para protektahan ang buhay, pamumuhay, at ari-arian, lalo na sa bahagi ng Manila Bay Watershed. 

Ayon sa pahayag ng DILG, dating na naninirahan ang 57,134 na informal settler families sa tabi ng daluyan ng tubig at mga lugar ng easement na may malaking panganib tuwing bumabagyo at may habagat. 

Tagumpay na nailipat ng DILG sa tulog ng mga lokal na pamahalaan ang mga pamilya mula sa manila bay watershed sa mga housing unit na pagmamay-ari ng gobyerno. 

Batay sa datos ng ahensya, 23.93% ng 238,747 na ISFs ang nailipat na ng lugar. 

Kung saan metro manila ang may pinakamalaking nailipat na ISF sa ligtas na lugar na may 36.56%.

Habang 61 LGUs ang nakakumpleto sa pagtatayo ng socialized housing project. 52 housing units ang nasa ilalim pa ng konstruksyon, 90 pa ang nasa proseso pa ng proposal.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this