MAHIGIT 70 MIYEMBRO NG PNP REGIONAL MOBILE FORCE BATTALION 14B SINIBAK DAHIL SA HAZING

Manila, Philippines – Sinibak na sa puwesto ang buong tropa ng  Regional Mobile Force Battalion 14-B matapos ang viral video nang pangmamaltrato o umano’y hazing ng mga miyembro nito sa  reception rites  sa Lamitan City, Basilan noong isang linggo.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson BGEN. Randulf Tuano nagreklamo ang mga biktima na katatapos lang ng kanilang Basic Internal Security Operations Course (BISOC).

Nangyari ang hazing sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi noong Pebrero 6 sa reception rites sa mga bagong pulis, kung saan nag-viral sa social media ang mga larawan at video ng insidente.

Kabilang sa mga sinibak ang 70 tauhan at 12 non commissioned officer na silang umano’y responsable sa pagmamaltrato. 

18 ang lumalabas na complainant sa naturang initiation at inaasahang papalo sa mahigit isang daan ayon kay tuano. 

Sumailalim na raw sa medical evaluation ang mag nagreklamo at inaalam na kung may mga sangkot na police commissioned officer sa insidente.

Nasa ilalim na ng PRO Bangsamoro Autonomous Region holding accounting sa Maguindanao del Norte ang buong RMFB 14B habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon para maisampa ang  Republic Act No. 11053 or the Anti-Hazing Act.

Ayon pa kay Tuano mahigpit na ipinagbabawal ng PNP ang ano mang initiation o hazing sa training, orientation at welcome rigts para sa mga bagong pulis. 

Binigyang-diin ng PNP na ang mga ganitong insidente ay tahasang paglabag sa disiplina, dangal, at sinumpaang tungkulin ng pagiging pulis, at hindi kailanman dapat ituring na bahagi ng tradisyon.

Tiniyak rin nito na sino mang mapapatunayang may pagkakamali sa hazing ay mananagot ng criminal at administrative cases.

Share this