MAHIGIT SA 13-M PISONG HALAGA NG MGA SMUGGLED CARROTS NASABAT NG BOC SA PORT OF MANILA

Manila, Philippines – Halos magta-tatlong linggo na mula nang dumating sa Pilipinas ang mga agri-products na ito na nagkakahalaga ng labing tatlong milyong piso sa Port of Manila. 

Tatlong container van na isinakay sa pamamagitan ng dry shipment ang modus na sinubukang ipuslit ayon sa Bureau of Customs (BOC). 

Sa imbestigasyon ng BOC, hindi lang mga duties at taxes ang iniwasan ng mga sangkot rito kundi ang pagsusuri sa mga gulay na hinihinalang may halong kemikal para tumagal ang shelf life nito. 

Pinaghinalaan raw ng alert monitoring unit ang shipment, kaya dito na isinailalim sa physical examination at tumambad ang mga nabubulok na carrots na nasa 53,283 kilograms.

Isa rin sa ikinunsidera ang timbang ng shipment dahil nakadeklang storage boxes at napkins.

Dahil papalapit na ang holiday season mas naghigpit raw ang ahensya dahil sa mga ganitong panahon maraming pagkakataon lalong lalo na ang mga produkto na ginagamit sa handaan ang sinusubukang ipuslit ng mga smugglers. 

Dahil masangsang na ang amoy at nabubulok na ang mga gulay for destruction na ito at hindi na mapapakinabangan pa.

Binigyang diin din ng BOC na malaking epekto ang mga ganitong uri ng smuggling sa pamumuhay ng mga local farmers at integridad ng lawful trade. 

Inihahanda na rin ang kasong isasampa sa mga nasa likod ng smuggling kabilang na ang custom modernization and tariff act, pati na ang pagsasampa ng kaso ng paglabag sa anti-agricultural economic sabotage act kung saan non bailable at panghabang buhay na pagkakakulong sa oras na mapatunayang may pagkakasala ang mga nasa likod nito.

Share this