MAHIGIT SA 25K NA SILID-ARALAN, TARGET NA MAITAYO NGAYONG 2026 — SEN. AQUINO 

Manila, Philippines – Target ng pamahalaan na makapagtayo ng 25,000 na silid-aralan bilang tugon sa kakulangan classroom sa bansa ngayong 2026.

Ayon kay Senator Bam Aquino, tinatayang nasa 166,000 na classroom ang kulang sa Pilipinas. 

Aniya, maaaring tumagal sa loob ng 90 araw hanggang 120 araw ang pagtatayo ng single o two-storey classrooms. 

Para maisakatuparan ang konstruksyon ng mas maraming classroom, aakuin ng mga local na pamahalaan ang maramihang konstruksyon ng mga silid-aralan, dahil sa capacity limit ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

Ayon sa senador, tinatayang nasa 2,000 hanggang 3,000 classrooms ang kapasidad ng DPWH. 

Habang ang mga silid na itinayo ng mga LGUs ay nagkakahalaga mula 1.5 million hanggang 1.8 millions per unit.

Kung ikukumpara sa mga naunang naitayo ng silid na umaabot hanggang 3.5 million pesos. 

Binigyang diin pa niya ang mabagal na pagtatayo sa mga ito. 

Ang mga pahayag na ito ng senador ay nagmula sa kanyang pakikipagpulong sa Mayor’s Dialogue, kung saan 200 na mga alkalde ang dumalo at mahigit sa 800 na mga LGUs ang nagpahayag ng kahandaan na pangunahan ang konstruksyon mga silid aralan. 

Pahayag ni Aquino, patuloy silang magmomonitor sa konstruksyon ng 66 billion worth of classroom, para tiyakin nagagamit nang tama ang pondong inilaan para rito.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this