MAHIGIT SA 40K NA PAMILYA, BIKTIMA NG BAGYONG BASYANG — DSWD

Dulot ng pananalanta ni Tropical Storm Basyang, mahigit sa 40 libong pamilya ang naapektuhan ng hagupit nito.

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 40,885 na pamilya o 141,375 na katao ang biktim ng bagyo.

Lahat ng ito ay residente mula sa 253 na barangay mula sa mga probinsya sa Visayas at Mindana.

Sa naitalang datos ng DSWD Disaster response Management, 13,288 ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Katumbas ito ng 43,741 na indibidwal.

Habang mahigit sa dalawang libong pamilya ang nanuluyan muna sa kanilang pamilya.

Bunsod ng mapaminsalang ulan at hangin na dala ng bagyong basyang, umabot sa 109 na kabahayan ang nasira at 754 ang nagtamo lamang ng pinsala.

As of 6:00 am ngayong araw, umabot na sa 1.3 milyong piso ng tulong na ang naipamahagi ng DSWD para sa mga nasalanta.

Mayroon pang mahigit sa apat na bilyong pisong pondo ang DSWD na nakalaan para sa disaster response ng ahensya.

Inaasahan na maglalandfall ngayong gabi si Bagyong basyang sa Bayabas, Surigao Del Norte bandang 11:50 pm, Aayon sa pagasa.

Pinaghahanda ang publiko sa posibleng epekto ng bagyo, lalo na sa banta ng baha at landslide.

Share this