Quezon City, Philippines – Matapos ang pagsasampa ng tatlong impeachment complaints laban kay Bise Presidente Sara Duterte, inimbitahan naman ng Makabayan bloc ang mga complainant at endorser nito para sa isang meeting-consultation sa Kamara na gaganapin sa Miyerkules (Enero 8, 2025).
Sa liham na nilagdaan nina ACT Teachers party-list Representative France Castro, GABRIELA Women’s Party Rep. Arlene Brosas, at KABATAAN party-list Rep. Raoul Manuel nitong Lunes (January 6), layon ng pagtitipon na mas pag-usapan pa ang kani-kanilang nasabing impeachments complaints laban sa Bise Presidente para paigtingin ang pagproseso nito.
Inaasahan ng tatlong makabayan bloc representatives ang kooperasyon ng mga grupo at indibidwal na naghain.