MANILA, PHILIPPINES – Nakahanap na raw ng solusyon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. upang mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na kasalukuyan na raw nag-uusap ang Senado at Kamara hinggil sa paraang makakapagbenta ng murang bigas sa mga pamilihan sa mababang halaga.
“Syempre, nakikipag-ugnayan tayo and I think we may have found the solution and nakikita natin that we will be immediately able to bring down the price of rice,” sabi ni Pangulong Marcos
“Pagka mataas ang presyo ng bigas, magbibitaw tayo ng bigas, magbebenta tayo ng mababa para sumunod ang merkado,” dagdag pa nito,” dagdag pa ng Pangulo
Gayunpaman hindi na idinetalye pa ng Pangulo kung anong paraan ito dahil ayaw daw nyang pangunahan ang Bilateral Committee.
“I don’t want to preempt the bicameral committee, but I think we have found the solution already,” ani pa nito.
Binanggit pa nito na hindi pa rin naman daw tukoy sa ngayon kung anong ahensya ng pamahalaan ang pahihintulutang mag-angkat ng bigas.
Matatandaang isa rin sa itinuturing nilang solusyon upang mapababa ang presyo ng bigas ang pag amyenda sa Rice Tariffication Law na kasalukuyan pa rin ngayon na pinag uusapan, na kamakailang lusot na sa ikalawang pagbasa ng kamara.
READ: PAG-AMYENDA SA RICE TARRIFFICATION LAW, SINIMULAN NA SA KAMARA