MALACAÑANG DINEPENSAHAN ANG INTELLIGENCE FUND NG OFFICE OF THE PRESIDENT

Manila, Philippines – Dinepensahan ang Palasyo ang inilaang intelligence fund para sa opisina ng Pangulo para sa taong 2026. 

Matapos magbigay ng kopya ng National Expenditure Program (NEP) 2026 sa kamara at senado, nakita na hindi nadagdagan ang intelligence ng pangulo mula pa noong 2020. 

Ayon kay Palace Press officer at Undersecretary Claire Castro, iginiit ng Department of Budget and Management (DBM) na tumatayo ang pangulo bilang commander-in-chief at national policy maker. 

Aniya, pagkakaroon ng Confidential at Intelligence fund (CIF) ay hindi masama. Nagiging masama lamang ito kung ginamit sa hindi tama ang pondo. 

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, 10.77 billion pesos ang kabuuang pondong nakalaan para sa Confidential and Intellince fund ng Administrasyong Marcos para sa 2026. 

4.6 billion ang para sa confidential expenses at 6.398 billion pesos ang para sa intelligence expenses. 

Halos kalahati ng pondo para sa CIF ay nakalaan para sa opisina ni Pangulong Marcos Jr.  

Mula 2020, 4.5 billion peso confidential and intelligence funnd para sa Pangulo, sumunod dito ang Department of National Defense (DND) na may nakalaan na 1.8 billion pesos. 

Wala namang nakalaan na Confidential and Intelligence ang Office of the Vice President.-Krizza Lopez, Eurotv News

Share this