MALACAÑANG, IGINIIT NA MAAARING KASUHAN ANG MGA EMPLEYADO NG BI NA NAGPAHINTULOT SA RUSSIAN VLOGGER NA GUMAMIT NG CELLPHONE SA LOOB NG KULUNGAN 

Manila, Philippines – Bukod sa tanggal serbisyo, posibleng maharap pa sa kaso ang mga empleyado ng Bureau of Immigration na umano’y nagpahintulot sa Russian vlogger na gumamit ng cellphone habang nakakulong.

Ayon sa Palasyo, iniimbestigahan pa ng masinsinan ang umano’y korapsyon sa loob ng Bureau of Immigration.

Ito’y matapos sabihin ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa isang podcast na binayaran niya ang otoridad na nagbabantay sa kulungan para makagamit ng cellphone.

Ibinahagi naman ng palasyo nasa natanggal na serbisyo ang dalawang deputy, at tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ng warden ng piitan. 

Nauna nang matanggap sa BI ang tatlong empleyado ng ahensya.

Pahayag ni Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro, kung ano man ang kalalabasan ng imbestigasyon ng BI at napatunayan na may korapsyon sa loob ng ahensya, hindi aniya magdadalawang isip na sampahan ang mga ito ng kaso.

Sa  video ni Vitaly sa kanyang ika-69 na araw na pagkakakulong sa Pilipinas.

Ipinakita niya ang kaniyang naranasan habang nakakulong. 

Sinabi niya rito na may mga foreigner halos dalawang dekada ng nakulong dahil hindi umuusad ang papel.

Noong January 17, pinadeport na pabalik sa Russia si Vitaly.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this