Manila Philippines — Nananawagan ang Makabayan Bloc sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan na ang International Criminal Court (ICC) na magimbestiga sa Extra Judicial Killings (EJK) ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pagsisimula ng pagdinig ng House Committee on Human Rights, sinabi ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative na dapat pahintulutan na ng administrasyong Marcos na simulan ng ICC ang imbestigasyon sa paglabag sa karapatang pantao ng War on Drugs Campaign.
“Committee hearings can only do so much. The government must decisively act to provide justice for the thousands of victims of extrajudicial killings under the Duterte regime’s brutal drug war,” ani Brosas.
Sabi pa ng mambabatas malaking tulong ang isasagawang imbestigasyon ng ICC upang mapanagot ang nasa likod ng pang aabuso sa karapatang pantao sa kasagsagan ng Duterte administration.
“Many women have been widowed, and children orphaned due to these senseless killings. The government has an obligation to ensure that their cries for justice are heard and addressed,” dagdag pa ni Brosas.
BASAHIN: MINORYA, TINIYAK ANG MASUSING IMBESTIGASYON SA EJK
Humarap din sa pagdinig ang mga kaanak ng mga naging biktima ng EJK dahil sa kampanya ng nagdaang administrasyon na war on drugs.
Sa ikalawang araw ng pagdining, ipinatatawag na ng Kongreso sina Dating Pangulong Duterte, at dating Philippine National Police Chief at ngayo’y Senador na si Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Umabot sa 20,322 na umanoy drug suspects ang napaslang dahil Oplan Tokhang sa unang 17 buwan ng Duterte administration, katumbas nito ang 40 kataong napapaslang kada araw.
Huli namang bumitaw sa Rome Statute ang Pilipinas noong March 2018, pero naging epektibo ang hindi pangingialam ng ICC sa bansa Marso taong 2019.
RELATED: DATING PANGULONG DUTERTE AT VP SARA NAKATAKDANG ARESTUHIN – TRILLANES