Manila Philippines — Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ng panukalang pondo ng Department of Foreign (DFA) para sa taong 2025, binuksan ng mga mambabatas ang patuloy na posisyon ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Kinuwestyon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative France Castro kung saklaw ba ng naturang provisional understanding sa pagitan ng Pilipinas at ng China ang mga mangingisda Pinoy sa West Philippine Sea.
“The salient points of the provisional arrangement are basically, [first], this is without prejudice to our national positions… Second, this will be subject to review,” sabi ni DFA Undersecretary Ma. Theresa Lazaro sa hearing.
Sagot ng DFA, posible pa raw mabago ang provisional understanding kaya’t umaasa ang gobyerno ng Pilipinas na susunod ang China sa nagpagkasunduan.
Wala daw apektado sa anumang uri ng posisyon ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Dinepensahan din ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pinakabagong pagpapakawala ng flare ng People’s Liberation Army – Air Force ng China.
Iginiit ni Manalo na mananatili ang Pilipinas sa pagsunod sa mga diplomatikong at mapayapang paraan ng pagresolba ng isyu sa South China Sea, base sa deklarasyon ng mga international laws.
Bukas daw ang DFA sa anumang diskusyon sa gobyerno ng China kaugnay sa patuloy na panghaharass at mga ilegal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
“We have what we call a bilateral consultation mechanism in the South China Sea with China and that meets regularly every few months. Any incident that happens in WPS which we feel is detrimental to our interests caused by China, we, of course, will raise it,” ani Manalo sa pagdinig ng Kongreso.
Ang provisional arrangement ay bahagi ng bilateral consulation mechanism sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
Bahagi ito ng pag-uusap sa pagitan ng DFA ng Pilipinas sa kanilang counterpart sa China upang maresolba at mapababa ang tensyon sa South China Sea.
Nangyari ang huling bilateral consultation mechanism sa pagitan ng Beijing at ng Manila nito lamang Hulyo upang igiit ang posisyon ng parehong bansa sa South China Sea.