CANLOAN CITY, PHILIPPINES –Ipinag-utos ni Canlaon City, Negros Oriental Mayor Jose Chubasco Cardenas ang mandatory evacuation ng mga residenteng nakatira sa loob ng tatlong metro mula sa ilog sa ibaba ng Kanlaon Volcano.
Ani Cardenas sa Executive Order No.36 ipinagutos ang mandatory evacuation dahil sa agos ng mga mudflows at iba pang panganib dahil sa volcanic ash deposition at lahar.
Una rito, inutusan ni Cardenas ang mga residente ng mga barangay ng Masulog, Pula, Lumapao at Malaiba na magtungo sa mga evacuation center at magdala ng tubig, pagkain, at mga kagamitan.
Hanggang alas-10 ng gabi, mayroong 22 kabahayan o 81 indibidwal ang lumikas mula sa Barangay Pula at inilipat sa Macario Espanola Memorial School.
Ipinasara din ang mga tourism sites sa Canlaon City, habang isinailalim na rin sa state of calamity ang Canlaon City.
READ: BULKANG KANLAON, NAKATAAS NA SA ALERT LEVEL 2
DSWD VISITS NEGROS ORIENTAL AFTER THE EXPLOSION OF MT. KANLAON
BULKANG KANLAON, PATULOY NA TUMATAAS ANG SEISMIC ACTIVITY — PHIVOLCS