MANILA LGU, TUMATANGGAP NA NG VOLUNTEERS PARA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO

Manila, Philippines – Nagbukas na ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) para sa pagtanggap ng mga fire at medical volunteers bilang paghahanda sa nalalapit na Pista ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo.

Ayon sa MCDRRMO, kinakailangang magsumite ang mga interesadong grupo ng request letter na naglalaman ng mahahalagang detalye tulad ng bilang ng personnel, listahan ng kagamitan, at dami ng resources gaya ng ambulansya o firetruck kasama ang kani-kanilang plate number. Dapat ding ilagay ang petsa at oras ng kanilang serbisyo, contact number ng team, at lagda ng officer-in-charge o fire chief.

Tumatanggap ang tanggapan ng mga request letter hanggang Disyembre 15, 2025, alas-5:00 ng hapon lamang.

Bahagi ito ng paghahanda ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng libo-libong debotong lalahok sa taunang selebrasyon.

Share this